Customer Complaint

Customer Complaint

Isang umaga ay may panauhing babae ang galit na galit dahil hindi daw nasunod ang kanyang gustong kulay na pinagawa niyang money sash. Agad ko naman inalam kung ano ba talaga ang nangyari upang maayos agad. Sa kasamaang palad ay kami ang nagkulang dahil ang kulay ng ribbon na gusto niya para dito ay out of stock talaga at hindi rin nakuha ang kanyang contact number para ma-inform at ma-update sana siya sa kanyang pinasadya sa atin.
Una ay humingi na lamang ako ng pasensya sa kanya at tinanong ko ang panauhin kung ok lang ba sa kanya na pumili na lamang ng ibang kulay ng ribbon at gagawin ko na lamang agad-agad ito upang hindi na siya magalit at sumigaw pa. Ngunit sabi niya ay matatagalan lamang siyang muli at maghihintay ulit ng matagal. Bandang huli ay medyo kumalma na siya at nag-isip kung papaano mareremedyuhan ang money sash. Naging maganda naman ang resulta at hindi na namin inulit ito bagkus nag two color combination na lamang kami para sa bulaklak ng sash at nagustuhan naman niya ang kinalabasan nito. Ang money sash pala ay ibibigay nila sa Best Teacher na napili nila sa kanilang school at pinag-ambagan lamang nila ang perang nakalagay dito.
Nagpasalamat naman siya pagkatapos nito at naging mas mahinahon na siya sa pakikipagusap sa akin. Ang pinakamagandang gawin ay pakinggan natin ang panauhin at huwag silang sabayan upang hindi lumala at bumaba ang tensyon. Mag-isip ng mas madali at pinakamagandang paraan upang mabigyan pa rin sila ng serbisyong nasa puso. Tandaan natin na walang naayos na problema kung idadaan din natin ito sa init ng ating ulo. Higit sa lahat ipakita natin ang mabuting pakikipagkapwa sa bawat panauhin na ating nakakasalamuha.